Frequently Asked Questions

Mga karaniwang tanong tungkol sa HanapBiz.

+Do I need an account to use HanapBiz?

Pwede kang mag-browse, mag-search, at tumingin ng business profiles kahit walang account. Kailangan mo lang ng libreng HanapBiz account kapag gusto mong makita ang phone number at email ng negosyo, mag-save ng favorites, mag-review, o mag-edit ng listing mo.

+Why is sign-in required for phone numbers and emails?

Para maiwasan ang completely anonymous access sa contact details ng mga negosyo at magdagdag ng extra protection laban sa automated collection at misuse.

+Is creating an account free?

Yes. Libre ang paggawa ng HanapBiz account.

+Can I list my business for free?

Yes. May free basic listing ang HanapBiz. May optional na promotional at visibility services na pwedeng ma-avail sa hinaharap.

+Does HanapBiz verify every business?

May light verification kami. Bawat submission ay dumadaan sa manual review, at hinihingan namin ang may-ari ng photo ng storefront, business permit, DTI/SEC document, o iba pang proof of business bago i-publish. Pero hindi ito full legal, financial, o operational verification. Mag-transact pa rin po sa sariling risk at gumamit ng sariling judgment.

+Paano ko isa-submit ang negosyo ko?

Pumunta sa Submit Business page, fill-up ang simple form, at hihintayin lang ang manual review.

+Gaano katagal bago ma-approve ang listing ko?

Manual review po ito kaya depende sa volume, usually within a few days.

+May mali sa listing ko. Paano ko i-edit?

Gamitin ang Edit Request page. Kailangan mo gamitin ang parehong contact number o email na ginamit sa submission para ma-verify na ikaw nga ang may-ari. Ang mga major na changes (business name, contact info, ownership) ay dumadaan sa admin review.

+Paano kung may nakita akong scam o spam?

Mag-message lang sa amin sa Facebook page o gamitin ang Report button sa listing. Pwede naming i-tanggal ang listing kahit kailan.

May iba pang tanong? Contact the admin.